by
Ericka Castro, student-trainee, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila | May 18, 2017
Mula sa pag aaral kung paano mag sukat.
Hanggang sa ikaw na ang nag susulat ng sarili mong istorya.
Lakad pa, konti pa.
Gapang kung gapang.
Kayod kung kayod.
Lahat gagawin para sa pangarap mo.
Dilat ang mga mata mula umaga
Hanggang sa susunod na araw
Sunog na kilay ay kitang kita
Pero ngayon, tapos na.
Sa wakas tapos na.
Malapit ka na sa iyong pangarap
Sa layo ng nilakad mo
Sa layo ng tinakbo mo
Sa wakas pahinga na, hawak mo na ang diploma.