• Poetry
  • artshub

Wala na

by Raven Bamba, student-trainee, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila | May 22, 2017
Wer N U/Jan Lester E. Bisco
Photo by Jan Lester E. Bisco, Financial Business Intelligence Warehouse

Bawat kanto aking nilalakbay,
Ilang beses na ako nagpa balik-balik sa mga lugar na akin nang napuntahan, 
Ilang beses na ring sumagi sa isip ko kung makikita ka pa ba.
 
Sa bawat araw ng paglalakbay, umaasa na matagpuan ka na.
Kay tagal ko nang nag iintay, at ang tagal ko na ring naghahanap.
Ngunit sa bawat kalye, bawat daan at bawat lugar, wala ka, wala ka pa rin.
 
Tsaka ko lang naisip, na kahit gaano kalayo ang aking lakbayin.
Kahit gaano kahaba ang aking lakarin, kahit na mamuti pa ang mata ko sa kakaantay.
Imposible na atang mahanap ka, sapagkat wala na talaga.
 

Post your opinion